Versuri Flu
cauta dupa cuvant:
cauta dupa categorie:
artisti
albume
cauta dupa litera:
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z #

INFO - HUWAD

Huwad

de Crazy As Pinoy / an -

VERSURI - HUWAD

Naaalala ko pa bago mawalan ng malay

Nagingisay-ngisay hindi maka gulapay

Sa pag ibig ko sa'yo ako'y litong lito

Di ko akalain na magiging ganito

Biglang nagbago ang takbo natuto nang sumalisi

Parang akyat bahay nagdaraan sa kisame

Diskarte kong ito kung sadyang mabubuko

Mahuli ma't mahuli uulit ulitin ko

Mamatay-matay kasi ako sa tamis ng 'yong ngiti

Mga kurot mo sa'kin na nakakakilti

Mga haplos mong nakakabuhay ng patay (patay)

Matamis mong "oo" di ko na mahihintay...

Pano ko ba ilalagay ang puso ko sa'yong tabi?

Hinahanap-hanap kita mapa-araw, mapa-gabi

At hindi mapakali kapag di ka natatanaw

Mag wawala ako kapag hindi ka lumitaw



(Chorus)



Ikaw ay aking mahal puso't kaluluwa sayo ko lang ibibigay

Ang pag-ibig kong ito ay para lang sayo, oo mahal ko



Ngunit biglang nagbago ang takbo ng buhay ko

Ng sabihin nya sa akin na mahal nyay di ako (di na mahal)

Ginamit nya ako upang kanyang makalimutan

Ang dating kasintahan na nakikipag balikan

Wala na raw lahat ng pinangako nya sa akin

Pagmamahal ko raw sa iba ko na ibaling

Pero panong gagawin ang magmahal limot ko na

Ngayong poot at galit ang tanging nadarama

Akin bang naituwid ang aking pagkakamali

Kung ako ay napapayag, ako'y nagkunwari

Di ko mawari ang bigat na dinadala ng kalooban

Ikaw ang kasalanang di ko kayang maiwasan

Minabuti na lang na ako'y magbilang

Araw na nagdaan muntik ng mabuang

Gumawa ng kanta at ako'y sinita

Lagi raw tulala para bang nalanta

Sinabi mo nga na maraming hadlang

Ramdam ko na rin na magkalabuan

Yun bang dahilan? yun bang paraan?

Heto ko ngayon umuwing luhaan



(Chorus)

Ikaw ay aking mahal puso't kaluluwa sayo ko lang ibibigay

Ang pag-ibig kong ito ay para lang sayo, bakit sinayang mo

Ngayon, kahit ika'y mahal, pilit lilimutin, pagka't ako'y nasasaktan

Paaasahin lang ako, pagkatapos ay ano, iiwan lang ako



O aking mahal ba't ako nilinlang?

Anong akala mo sa akin mangmang

Akala mo siguroy hindi ko matatanto

Na ang isang katulad mo ay manananso

Nagbabalat kayong daig mo pa'y kamelyo

Animo'y tupa pero mas mabangis pa sa leon

Nagbabalak balak ako ay sakmalin

Masisisi mo ba ko kung ikaw ay aking sapakin?

At sa pag ibig nyang huwad! (mga brad) aking nailahad (ang lahat)

Ng nararamdaman pagakat ako'y kanyang (sinagad sagad)

Pinipilit ko namang siya'y aking intindihin

Ngunit walang kasing sakit ang ginawa nya sa akin "my men!"

Oo... o aking mahal nagtiwala ako sa'yo ng lubos

Iniwanan mo na naman (na naman? )

Pati pera ko'y (ubos na ubos)

Bakit di mo na lang sinabi agad? bakit di mo na lang pinagtapat?

Pinaibig lang ako't sinayang ang lahat lahat...



(Chorus)

Ngayon, kahit ika'y mahal, pilit kalilimutan

Ayoko nang maging hangal

Ang pag-ibig kong ito, na para lang sa'yo, bakit sinayang mo

nume: email:
introduceti linkul youtube aici:
introduceti codul din poza alaturata
pentru verificare

0 COMENTARII MELODIE - HUWAD

ADAUGA UN COMENTARIU
nume: email:
introduceti un titlu pentru comentariu:
introduceti comentariul aici:
introduceti codul din poza alaturata
pentru verificare
Pentru a posta un comentariu trebuie sa completezi intregul formular de mai sus cu date reale. Orice camp completat cu date eronate va atrage descalificarea completatorului.
CELE MAI CAUTATE